Bagong draft ng Security of Tenure Bill nasa Malacañang na — DOLE
- Mylene Alfonso
- Jan 6, 2020
- 1 min read

Naisumite na ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa Malacañang ang panibagong draft ng Security of Tenure (SOT) Bill.
Ito ang kinumpirma ni Labor Sec. Silvestre Bello III, sa isang panayam matapos i-veto ni Pangulong Rodrigo Duterte noong nakaraang taon ang naunang bersiyon ng naturang panukala.
Noong nakaraang buwan pa umano naisumite kay Executive Sec. Salvador Medialdea ang panibagong draft ng panukalang ito.
Aniya, bago binuo ang naturang draft, kinonsulta muna ang iba’t ibang stakeholder bago nila ito isinapinal.
Samantala, tumanggi naman ang kalihim na banggitin ang “major differences” sa bagong draft kumpara sa na-veto na bersiyon.





Comments