top of page
Search
  • Pabs Hernandez III

Estudyante nilikida ng tandem

NORTH COTABATO—Isang 23-anyos na estudyante ang namatay nang barilin ng riding-in-tandem, kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Pikit sa lalawigang ito.

Ang biktima ay nakilalang si Bardodin Baset, residente ng nasabing bayan.

Ayon sa ulat, nakasakay sa motorsiklo si Baset nang dikitan ng dalawang hindi kilalang lalaki na nakasakay din sa motorsiklo at agad pinagbabaril hanggang sa mapatay ang biktima.

Iniimbestigahan na ng pulisya ang motibo ng mga suspek sa pamamaslang sa biktima.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
bottom of page