- Pabs Hernandez III
Pusher tepok sa drug-bust
NUEVA ECIJA—Isang drug pusher ang napatay sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya, kamakalawa sa Bgy. Valle Cruz, Talavera sa lalawigang ito.
Ang suspek ay nakilalang si Pedro Seratorre, residente sa nabanggit na bayan.
Ayon sa ulat, darakpin sana sa drug-bust operation si Seratorre, pero bigla nitong pinagbabaril ang pulisya.
Dahil dito, agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang suspek.