Search
  • Maeng Santos

GF nakipag-break, sex videos ipo-post sa FB | EMPLEYADO NG M‘CAÑANG, KULONG


KALABOSO ang isang empleyado ng Malacañang matapos maaresto sa entrap­ment operation nang pagban­taan ang dating karelasyong babae na ia-upload ang ka­nilang sex videos at mga hu­bad na larawan kung hindi ito makikipagkita sa kanya sa Malabon City.

Kinilala ang suspek sa alyas na ‘Frank’, 40, sup­port officer ng citizen com­plain hotline sa Malacañang at residente ng Tanza, Cavite.

Naaresto ito ng mga ta­uhan ng Intelligence Branch at Follow-Unit sa pangu­ngu­na ni SPO1 Tayaban sa Bgy. Longos, alas-7:30 ng gabi.

Sa imbestigasyon nina PO3 Corazon Nuque at PO2 Mary June Belza, halos tat­long buwan na nagkaroon ng relasyon ang suspek at ang biktimang itinago sa panga­lang ‘Ligaya’, 30, call taker ng citizen complain hotline sa Malacañang at residente ng Malabon City.

Dahil sa ilang ulit na pag­karoon ng mga ito ng hindi pagkakaunawaan, nag­pasya ang biktima na tapusin na ang kanilang relasyon subalit, hindi ito tinanggap ng suspek at nagbantang ia-upload ang kanilang sex videos at mga hubad na larawan.

Kamakalawa ng gabi, hiniling ng suspek sa biktima na magkita sila subalit, tu­manggi ito kaya muli itong pinagbantaan ng lalaki na ia-upload ang kanilang sex vi­deos at hubad na mga lara­wan.

Humingi ng tulong ang biktima sa pulisya na agad namang nagkasa ng entrap­ment operation na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Ayon kay Malabon Po­lice Chief Sr. Supt. Jessie Tamayao, narekober sa sus­pek ang cellphone na nagla­laman ng sex videos at nude photos ng biktima.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.