Search
  • BULGAR

MANILA AT BACOOR, PAKAKABOG BA SA PARAÑAQUE AT VALENZUELA?


PAKAY gibain ng pinapaborang Manila ang Parañaque at palawigin pa ang winning run sa MPBL Datu Cup habang nais ng Valenzuela na makapanalo pa kontra sa mapanganib ding Bacoor sa isang exciting na pares na mga laban sa Valenzuela Astrodome.

Ang Stars ay nakasakay sa three-game winning run at target magwagi laban sa Patriots sa unang laro ng 7 p.m. bago ang main game sa pagitan ng Classic of Valenzuela at Strikers ng Bacoor ng 9 p.m.

Hawak ng Manila ang 10-2 win-loss card, na kuntento sa 2nd place sa northern division ng sumisikat nang regional amateur basketball league sa bansa na itinatag ni Senador Manny Pacquiao at si PBA legend at dating MVP Kenneth Duremdes ang commissioner.

Pero hindi nalalayo ang San Juan sa likod ng Manila na may 10-3 card, ibig sabihin, gagawin lahat ng Stars ang makakaya upang manaig sa dikit na karibal.

Pinangungunahan ng ilang dating pros na sina Riel Cervantes, Roger Yap at batang promising players na tulad nina Aris Dionisio, Chris Bitoon at Kyles Lao at mga solidong support cast ang team. Kargado ang Robust Energy Capsule-backed Stars ng lakas upang pakabugin ang F2 Logistics-Patriots.

Pero ‘di padadaig ang Parañaque sa taglay nilang double-double machine na sina Harold Arboleda at hardworking guard Ryusei Koga para ituloy ang laban sa Patriots na ngayon ay may three way tie para sa fourth to sixth places katapat ang Laguna Heroes at ang Batangas City Athletics hawak ang parehong 7-6 record.

Sasagupain ng Valenzuela na nagwagi sa unang laro sa ilalim ng bagong head coach Eric Samson ang bagong bihis na Bacoor team na kinuha sina ex-pro Samboy de Leon at Rocky Acidre. (MC)

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.