Search
  • BULGAR

Lapeña, nag-ala-Faeldon, no show sa Senate hearing sa shabu smuggling, hmmm...

KA AMBO / BISTADO

NANALASA na ang Super typhoon Rosita.

Killjoy siya sa mga “patay”!

◘◘◘

HINDI dumalo si ex-Customs Chief Lapeña sa Senate hearing.

Siya ay nag-ala-Faeldon!

◘◘◘

BUMAGSAK ang isang commercial airplane sa Indonesia na may sakay na 189.

Humabol sila sa Undas!

◘◘◘

MAY SRP na ang bigas.

Masunod kaya?

◘◘◘

ITATALAGA sa gabinete ang mga malabong manalo sa senatorial elections.

Tsk-tsk-tsk!

◘◘◘

MILITARY takeover na sa Adwana.

Meaning, may Martial Law na sa port area!

◘◘◘

MALINAW na nagwawagi ang drug traffickers sa war on drugs.

Kasi bumabaha na ng shabu sa merkado!

◘◘◘

PINAG-IISIPAN din kaya ang SRP sa shabu?

Lahat ng barangay kasi ay may drug traders.

◘◘◘

TIKLO ang pulis na rapist.

Muntik na siyang “gulpihin” ni NCRPO Chief Gen. Guillermo Eleazar!

◘◘◘

GINAHASA kasi ni PO1 Eduardo Valencia ang anak ng mag-asawang drug suspects bilang kapalit umano ng paglaya.

Nagngingitngit sa galit si Gen. Eleazar!

◘◘◘

AYON kay Gen. Eleazar, isa si Valencia sa mga bulok sa loob ng PNP na dapat mawala at maparusahan.

Idinadamay nito ang matitinong mga parak!

◘◘◘

AGARANG sisibakin ng NCRPO si Valencia upang hindi kopyahin ng iba pang iskalawags.

Motto ni Gen. Eleazar : Punish the bad and reward the good!

◘◘◘

KAMAKAILAN lang, ginawaran ni Gen. Eleazar ng Medal of Achievement ang ilang PO1 at PO2 na mga taga-Manila Police District .

Meaning, hindi lahat ng parak ay tulad ni Valencia!

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.