- Mylene Alfonso
Hirit ng Palasyo | LAPEÑA, SINIBAK SA CUSTOMS PARA SAFE SA INTRIGA

ISINIWALAT ng Palasyo na matagal nang nakaplano na ilipat si outgoing BOC Commissioner Isidro Lapeña mula sa Customs papunta sa ibang ahensiya.
Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa susunod na linggo pa sana ang anunsiyo tungkol sa rigodon pero, napadali dahil sa ilang mga rason.
Layunin din umano na maisalba si Lapeña sa mga ibinabatong intriga sa BOC.
Iginiit ni Panelo na ang paninira kay Lapeña ang dahilan upang mapagdesisyunan ng Chief Executive ang agarang paglilipat nito sa TESDA at palitan siya ni ret. Gen. Rey Leonardo Guerrero na galing naman ng MARINA.
“Now, with respect to Commissioner Lapeña, alam mo matagal nang naka ano iyon… naka-ready i-transfer sa TESDA. Kaya lang nadali kasi — alam mo si presidente, ano siya, he wants to spare him from intrigue dahil sinisiraan nang husto, eh. Kaya nabigla iyong ano… nadali iyong announcement, nadali iyong promotion niya, cabinet member na siya ngayon. Kasi ang BOC is just a bureau under Department of Finance, eh. Dapat next week pa ang announcement,” paliwanag ni Panelo.