- Mylene Alfonso
Surprise drug test sa mga kandidato | NO WAY! — M’CAÑANG

KINONTRA ng Malacañang ang panukala ng Philippine Drug Enforcement Agency na magsagawa ng surprise drug tests sa mga kandidato ng 2019 Midterm Elections.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo na ang naturang aksiyon ay dapat boluntaryo at hindi dapat puwersahin ang mga kumakandidato.
“Kung wala naman talagang itinatago, magbu-volunteer talaga ‘yan,” ani Panelo.
Matatandaang, inirekomenda ni PDEA Director General Aaron Aquino ang pagbibigay ng drug tests sa mga kandidato para matukoy kung sino ang dawit sa iligal na droga.
Inihayag ni Aquino na surprise drug test ang dapat gawin sa mga ito upang hindi na makapaghanda para lang makakuha ng negative result.