- BULGAR
Tiktok users, maaari ng kumita sa kanilang uploaded videos
Updated: Jul 26, 2020
ni Thea Janica Teh | July 24, 2020

Dahil sa pagdami ng mga user ng Tiktok App ay naisipan nitong maglikom ng $200 milyon para panatilihin ang mga top user at makakuha pa ng mga bago.
Sa isang pahayag, sinabi ng video app na ito na ang bagong programa ay naglalayong suportahan ang mga creator at bigyan ng oportunidad na maging kabuhayan ang ginagawa nilang content. Bukod pa rito, sinabi rin ng TikTok na ipapamahagi nila ang pera bago matapos ang taon. Sa ganitong paraan kikita ang mga user gamit ang Tiktok app.
Kinakailangan lamang na 18 years old pataas ang user at naninirahan sa United States. Kailangan din na consistent sa pag-post ng original videos at sumusunod sa guidelines ng Tiktok. Magsisimula sa susunod na buwan ang pagtanggap ng aplikasyon dito.
Ngunit, hindi pa malinaw kung ilang Tiktok user ang tatanggapin at kung magkano ang makukuha ng creator.
Ayon sa spokesperson ng kompanya, hindi pa na nalilinaw kung magkano ang ipamamahagi sa mga user ngunit, ang $200 milyon ay isa ng starting fund para mapanatili ang mga user at madagdagan pa ang mga ito.