Search
  • BULGAR

200 contact tracers, sinasanay na sa Pasig City

ni Lolet Abania | July 29, 2020



Mahigit sa 200 contact tracers, ang sinasanay na ngayon sa Pasig City.


Ayon kay Pasig City Mayor Vico Sotto, sinimulan ang pagsasanay sa mga contact tracers kahapon.


Kinakailangan, aniya na magkaroon ng dagdag na contact tracers ang siyudad dahil magmula nang pairalin ang general community quarantine (GCQ) sa Metro Manila, tumaas ang kaso ng tinamaan ng coronavirus sa lungsod.


“Kailangang-kailangan natin ang karagdagang contact tracers na to. Nung ECQ kinakaya pa ng masisipag nating CESU staff, kaso ngayong medyo tumaas ang bilang ng mga kaso pagka-GCQ, overworked na talaga sila. Kaya kailangan nila ng tulong upang mapaganda ang responde at pag monitor natin ng mga kaso,” sabi ni Sotto.


Gayundin, magsasagawa ng komprehensibong survey ang mga contact tracers sa iba’t ibang barangay ng Pasig City.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.