Search
  • BULGAR

200,000 pamilya sa Taguig City, nakatanggap ng SAP

ni Twincle Esquierdo | July 17, 2020




Mahigit 200,000 pamilya sa Taguig City ang nakatanggap ng Social Amelioration Program nitong Biyernes ayon kay Mayor Lino Cayetano.


Sa isang panayam sinabi ni Mayor Lino Cayetano, "Inspired by what the national government has done, what Congress has passed... sinupplement ng government of Taguig... we are giving 200,000 families P4,000 para makatulong to complement doon sa ating SAP program,"


Dahil dito isa ito sa mga paraan para manatili sa loob ng bahay ang kanyang mga nasasakupan.


Nagpatupad rin si Cayetano ng lockdown sa ilang lugar sa Taguig na mataas ang kaso ng COVID-19 upang ang mga negosyo ay magpatuloy sa kanilang operasyon.


Sa kasalukuyan ang Taguig City ay merong 1,663 kaso ng coronavirus at 610 ang mga gumaling.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.