Search
  • BULGAR

2 wanted na rapist, arestado

@Balitang Probinsiya | June 24, 2020



CAGAYAN—Dalawang wanted na rapist ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa kanilang hideout sa magkahiwalay na lugar sa lalawigang ito.



Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Edgar Puringe, nakatira sa Allacapan at Ramil Molina, residente ng Gattaran, kapwa sa naturang lalawgan.


Nabatid na dinakip ng mga awtoridad sina Puringe at Molina sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong rape sa nasabing lalawigan.


Ayon sa pulisya, matagal na nilang pinaghahanap sina Puringe at Molina at kamakalawa lang sila nagkaroon ng pagkakataon na dakpin ang mga ito sa kanilang hideout.


Hindi naman nanlaban ang mga suspek nang dakpin sila ng mga awtoridad.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.