Search
  • BULGAR

2 tulak, timbog sa shabu at mga boga

@Balitang Probinsiya | August 5, 2020


CAPIZ—Dalawang drug pusher ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu at mga baril kamakalawa sa Bgy. Dinginan, Roxas City.


Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina German Manatad at Dexter Mape, kapwa residente ng nasabing barangay.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba sa nasabing lugar at nang pagbentahan sila ng shabu nina Manatad at Mape ay dito na sila dinakip ng mga awtoridad.


Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng isang gramo ng shabu, markadong pera at dalawang baril sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at 2-counts ng illegal possession of firearms and ammunitions.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.