- BULGAR
2 tulak timbog sa shabu at boga
@Balitang Probinsiya | August 31, 2020
BATANGAS—Dalawang drug pushers ang inaresto ng mga awtoridad nang makumpiskahan ng shabu at baril kamakalawa sa Bgy. San Rafael, Sto. Tomas.
Kinilala ng pulisya ang mga suspek na sina Edilberto Torres, residente ng Batangas at Juan Dimaano, residente ng Laguna.
Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation sa nasabing lugar at nang pagbentahan sila ng shabu nina Torres at Dimaano ay dito na sila dinakip ng mga awtoridad.
Nabatid na nakakumpiska ang mga awtoridad ng anim na gramo ng shabu, markadong pera at baril sa pag-iingat ng mga suspek.
Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at 2-counts ng illegal possession of firearms and ammunitions.