Search
  • BULGAR

2 teroristang Abu Sayyaf, sumuko

@Balitang Probinsiya | September 28, 2020



SULU — Dalawang miyembro ng Abu Sayyaf Group (ASG) na nais magbagong-buhay ang sumuko sa pamahalaan kamakalawa sa Bgy. Tagbak, Indanan.

Ang mga sumukong terorista ay sina Abu Jepoy at Abu Omar, kapwa kasapi ng ASG na nag-o-operate sa nasabing lalawigan.

Nabatid na isinuko rin ng mga terorista ang mga dala nilang iba’t ibang uri ng armas at mga bala sa 1102nd Infantry Battalion ng Philippine Army (PA).

Nagpasya umanong magbalik-loob sa pamahalaan ang dalawang terorista dahil nais na nilang magbagong-buhay.

Isinasailalim na ngayon sa taktikal na interogasyon ang mga sumukong ASG members para matiyak na bukal sa loob nila ang pagbabalik-loob sa gobyerno.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.