- BULGAR
2 terorista, tepok sa engkuwentro
@Balitang Probinsiya | September 16, 2020
DAVAO DEL SUR—Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga lokal na terorista kamakalawa sa Brgy. Sibulan, Sta. Cruz.
Ang mga napatay na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinikilala pa ng mga awtoridad.
Ayon sa ulat, nagpapatrulya ang tropa ng pamahalaan nang pagbabarilin sila ng mga terorista kaya’t agad gumanti ng putok ang mga awtoridad dahilan upang mapatay ang dalawang NPA.
Nang makitang napatay ang dalawa nilang kasamahang NPA ay mabilis na tumakas ang iba pang terorista.
Patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na terorista na pawang miyembro ng Pulang Bagani Command ng NPA.