- BULGAR
2 sundalo na naka-engkuwentro ng Abu Sayyaf, kinilala
ni Thea Janica Teh | July 14, 2020

Kinilala ni Pangulong Rodrigo Duterte ang dalawang sundalong sugatan matapos makaengkuwentro ang Abu Sayyaf Group sa Patikul, Sulu noong July 6.
Nasaksihan ni Duterte ang pagkilala kina Lapu-Lapu, Rank of Kampilan on Staff Sergeant Ramonito Diapolet at Corporal Maynard Cabote sa pagbisita sa Cam General Teodulfo Bautista sa Jolo.
Ibinibigay ang Kampilan medal sa mga sundalong lubos na nasugatan o namatay na sundalo dahil sa pakikiisa sa mga activity ng kampanya at adbokasiya ng Pangulo.
Halos 30 minuto ang itinagal ng engkuwentro nina Diapolet at Cabote laban sa Abu Sayyaf sa Barangay Bakul sa bayan ng Patikul.
Sa talumpati ni Pangulong Duterte, pinasalamatan niya ang dalawang sundalo dahil sa “undying service, especially during these trying times”.
“You have indeed accomplished so much in fighting the Abu Sayyaf Group in recent years, and this led to significant strides towards crushing them for good,” dagdag pa ni Pangulong Duterte.
Sinisigurado rin ni Pangulong Duterte na sagot na nito ang lahat ng pangangailangan ng dalawang sundalo pati na rin ang kanilang pamilya.