Search
  • BULGAR

2 sabungero, timbog sa tupada

@Balitang Probinsiya | August 21, 2020



NUEVA ECIJA—Dalawang sabungero ang inaresto ng pulisya nang mahuli sa aktong nagtutupada kamakalawa sa Bgy. Apo Esquivel, Jaen.


Nakilala ang mga suspek na sina Eriberto Pangilinan at Rowel Mactal, kapwa nakatira sa nabanggit na lalawigan.


Ayon sa ulat, may nagbigay-impormasyon sa pulisya na may mga kalalakihan nagsusugal sa tupada sa nasabing barangay kaya agad nagsagawa ng pagsalakay ang mga awtoridad, pero nakatakas ang ibang sabungero at tanging sina Pangilinan at Mactal ang nadakip ng mga operatiba.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng dalawang manok na panabong, cash at 12 tari sa pag-iingat ng mga suspek.


Inihahanda na ng mga awtoridad ang kasong paglabag sa RA 1602 o illegal gambling laban sa mga suspek.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.