Search
  • BULGAR

2 rifle grenades, natagpuan

@Balitang Probinsiya | September 29, 2020



ZAMBOANGA CITY—Dalawang rifle grenades ang natagpuan kamakalawa sa gilid ng kalsada ng Baliwasan Seaside.


Ang dalawang rifle grenades ay natagpuan ng mga residente sa nasabing lugar.


Sa pangamba na makadisgrasya kapag sumabog ay agad itong ini-report ng mga residente sa himpilan ng pulisya.


Kaagad namang rumesponde ang mga tauhan ng Explosive and Ordnance Division Team ng pulisya at kinuha ang dalawang rifle grenades.


Sa ngayon ay inaalam na ng pulisya ang pagkakakilanlan ng nagtapon ng dalawang rifle grenades sa naturang lugar.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.