Search
  • BULGAR

2 riders nagkabanggaan, parehong patay

@Balitang Probinsiya | September 6, 2020



AKLAN—Dalawang riders ang namatay nang aksidenteng magkabanggaan ang mga minamaneho nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Jumarap, Banga.


Kinilala ang mga biktima na sina Nikko Cuatriz, 21-anyos, at John Billiones, 23-anyos, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis umano ang takbo ng minamanehong motorsiklo ng dalawang rider kaya aksidenteng nagkabanggaan sa nabanggit na barangay.


Napag-alamang sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking sugat sa ulo at pinsala sa katawan ang dalawang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.