• BULGAR

2 rider tepok sa banggaan

@Balitang Probinsiya | July 28, 2020


LAGUNA—Dalawang rider ang namatay nang aksidenteng magkabanggaan ang mga minamaneho nilang motorsiklo kamakalawa sa Bgy. Sala, Cabuyao City.


Sa kasalukuyan ay kinikilala pa ng pulisya ang dalawang nasawing biktima.


Ayon sa ulat, kapwa mabilis umano ang takbo ng minamanehong motorsiklo ng dalawang rider kaya aksidenteng nagkabanggaan sa nabanggit na barangay.


Sa lakas ng pagkakabangga ay nagtamo ng malaking sugat sa ulo at pinsala sa katawan ang dalawang biktima.


Kaagad dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.