Search
  • BULGAR

2 residente, kauna-unahang kaso ng covid-19 sa Siquijor

ni Lolet Abania | August 2, 2020




Dalawang residente sa Siquijor Island ang nagpositibo sa test sa coronavirus o covid-19.

Ito ang kauna-unahang kaso na tinamaan ng virus ang probinsiya, matapos na naitalang anim na buwang covid-19-free sa buong bansa ang Siquijor.


Galing sa Metro Manila pauwing Siquijor ang dalawang residente, mula sa Hatid Tulong program, ang repatriation initiative ng gobyerno para sa locally stranded individuals o LSIs.


Inanunsiyo ng Department of Health (DOH) bandang alas-9:30 kagabi, na mayroong isang infected ng virus, habang kinumpirma naman ng lokal na pamahalaan ng Siquijor na dalawang kaso ang tinamaan ng covid-19 na ipinahayag sa memo sa official Facebook page, dakong ala-1 ngayong umaga ng Linggo.


“This happened despite our best efforts to enforce strict health protocols,” sabi ni Siquijor Governor Zaldy Villa sa isang Cebuano statement. “One patient is from Lazi and one is from Larena. Both came from Manila,” dagdag pa ni Villa.


Ayon sa governor, wala pang nairekord na local transmission sa lugar. Kasalukuyan nang nasa isolation ang dalawang covid-19 patients.


Pinakamaliit na probinsiya sa Central Visayas ang Siquijor, na tinatayang isang oras ang layo sakay ng ferry mula sa Dumaguete City.


Gayundin, isa ang Siquijor sa mga probinsiya sa bansa na napanatiling labanan ang pagkalat ng virus o covid-19-free simula noong January, maliban sa ngayon dahil sa nagpositibong LSIs.


Nagtala ang Central Visayas ng 16,496 coronavirus cases. Karamihan ng kaso ay nasa Cebu island na 16,302 cases. Mayroong 9,575 nakarekober at 851 ang namatay.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.