Search
  • BULGAR

2 pulis, tanggal sa serbisyo

Updated: Jul 13, 2020

ni Twincle Esquierdo - @News | July 13, 2020



Lahat ng pulis sa Cabugao Municipal Police Station at San Juan MPS sa Ilocos Sur ay inalis muna sa kanilang mga trabaho o tungkulin at si Cabugao MPS chief ay sinampahan ng obstruction of justice kasunod ng pagkamatay ni Fabel Pineda, 15-anyos na nagreklamo ng panggagahasa.

Ayon kay Philippine National Police (PNP) spokesperson Police Brigadier General Bernard Banac inalis muna ang mga pulis dahil sasailalim sila sa refresher training

Saad nito sa Commission on Human Rights, UNICEF and Child Rights Network, “Sila po ay tinanggal sa police station at sasailalim sila muli sa pagsasanay upang ma-refresh ulit sa kanilang duties and responsibilities,

“May mga ganun talagang observation kaya sasailalim sa refresher training itong mga pulis na ito,”

“Kailangan natin na tuloy-tuloy na paalalahanan, na mag-undergo ng mga training ang ating mga pulis para talagang malagay sa kanilang isipan na ang paglilingkod sa ating mga mamamayan ay talagang seryosong bagay,” dagdag pa nito.


Sinabi rin ni Banac na sina Cabugao Police Captain Ramil Llarenas at mga pulis sa Cabugao ay nahaharap din sa administrative cases.

Saad niya, “Sinampahan na natin ng kaso na obstruction of justice ang hepe ng Cabugao Police Station dahil sa pagpapabaya doon sa kaso,”

Si Pineda at ang pinsan nito ay residente ng Cabugao na inaresto dahil lumabag daw ito sa curfew.

Nakatakas ang pinsan ni Pineda sa dalawang pulis na sina Police Staff Sergeants Randy Ramos at Marawi Torda ng San Juan Police. Kaya nagsampa ang pinsan nito laban sa 2 pulis kaya mahaharap sa kasong acts of lasciviousness si Marawi Torda at rape si Randy Ramos dahil sa ginawa nito Pineda na 18-anyos. Pinatay ito matapos itong mag-file ng kaso.

Kaya ayon sa PNP ang mga kasong pagpatay ay isinampa sa Provincial Prosecutor of Ilocos Sur laban kay Ramos at Torda.

Ayon kay General Archie Francisco Gamboa ay inutusan niya ang Internal Affairs Service na agad tanggalin sa puwesto ang dalawang pulis na sangkot sa pagpatay kay Pineda.

Kinondena ng Commission on Human Rights, UNICEF and Child Rights Network ang pagpatay. Samantala, ang House Makabayan Bloc ay nagsampa ng resolusyon na nananawagan ng isang pagsisiyasat sa panggagahasa at pagpatay sa biktima na 18-anyos kaya inutusan naman ng House Resolution 1028 ang House Committee on Women and Gender Equality na magsagawa ng isang imbestigasyon sa pagpatay sa teenager.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.