Search
  • BULGAR

2 pinoy, hindi hadlang ang pandemic sasabak ng bakbakan sa Las Vegas

ni Gerard Arce - @Sports | July 16, 2020




Sasalang bilang ikaapat na Filipinong boksingero si Sanman lightweight prospect John Vincent Moralde laban sa Mehikanong si Alexis del Bosque sa closed door 8-round Top Rank bout event, Huwebes ng gabi (Biyernes ng umaga sa Pilipinas) sa The Bubble sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.


Susubuking pahabain ng 26-anyos mula General Santos City na si Moralde (23-3, 13KOs) ang kanyang two-fight winning streak, kung saan nagwagi ito ng magkasunod na knockout mula kina Jovany Rota noong Setyembre 5, 2019 sa Polomolok Gym, South Cotobato at kay Matias Agustin Arriagada sa Miami-Dade County Fair & Expo sa Miami, Florida noong Disyembre 21.


Mainit naman sa kanyang 4-fight winning battle ang 25-anyos mula Dallas, Texas na si del Bosque (17-5, 9KOs) na huling sumalang laban kay Eduardo Rafael Reyes noon pang Nobyembre 23 sa Mesquite Arena sa Texas mula sa 6-round unanimous decision victory. Ang tatlo pang nakaraang laban ng Mexican boxer mula kina Daniel Perales, Pedro Amigon at Darryl Hayes ay mga unanimous decision victory.


We have similar records. This is a important fight in this stage of my career and I don’t want to spoil the chance.”, pahayag ni Moralde.


Susubukan ni Moralde na makasunod sa yapak nina Mike “Magic” Plania, Reymond Yanong at Mark Bernarldez na sumabak sa lupain ng Estados Unidos sa panahon ng pananalasa ng coronavirus disease (Covid-19) pandemic.


Naging matagumpay sa kanilang laban sina Plania at Yanong matapos makuha ang majority decision laban kay Joshua Greer Jr sa 10-round super bantamweight at split decision victory laban kay Clay Burns, na ginanap pareho sa Las Vegas, ayon sa pagkakasunod. Nabigo naman si Bernaldez laban sa undefeated na si Albert Bell sa 10-round lightweight battle sa unanimous decision na pumabor sa American boxer, samantalang natalo naman sa kanyang sumunod na laban si Yanong laban kay Genaro Gamez sa pamamagitan ng 1st round.

Ang sagupaan nina Moralde at del Bosque ay parte ng undercard match ng isa pang Filipino boxer na si Mark John Yap (30-15, 15KOs) laban kay Miguel “The Scorpion” Marriaga (29-3, 25KOs) ng Columbia para sa 10-round featherweight main event contest.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.