Search
  • BULGAR

2 NPA, patay sa engkuwentro

@Balitang Probinsiya | September 9, 2020



SULTAN KUDARAT — Dalawang miyembro ng New People’s Army (NPA) ang napatay sa naganap na engkuwentro sa pagitan ng tropa ng pamahalaan at mga lokal na terorista kamakalawa sa Bgy. Datu Ito Andong, Kalamansig.

Ang mga napatay na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ay kinikilala pa ng mga awtoridad.

Nagpapatrulya umano ang tropa ng pamahalaan nang pagbabarilin sila ng mga terorista at dahil dito ay agad gumanti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang dalawang NPA.

Nang makitang napatay ang dalawa nilang kasamahang NPA ay mabilis na tumakas ang iba pang terorista.

Sa kasalukuyan ay patuloy pang tinutugis ng tropa ng pamahalaan ang mga tumakas na NPA.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.