Search
  • BULGAR

2 notoryus na tulak, tepok sa shootout

@Balitang Probinsiya | September 23, 2020



NUEVA ECIJA—Dalawang notoryus na drug pusher ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa mga awtoridad kamakalawa sa Bgy. Poblacion, San Isidro.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Rogel Barlis at Francis Esporna, kapwa nakatira sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya sina Barlis at Esporna sa buy-bust operation, pero biglang pinagbabaril ng mga suspek ang mga awtoridad.


Nabatid na mabilis nakaganti ng putok ang mga awtoridad kaya napatay ang dalawang suspek.


Nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang sachets ng shabu, dalawang baril at mga bala sa pinangyarihan ng insidente.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.