Search
  • BULGAR

2 notoryus na karnaper, timbog

@Balitang Probinsiya | October 13, 2020



NUEVA ECIJA—Dalawang notoryus na karnaper ang naaresto ng pulisya kamakalawa sa Bgy. Banitan, Quezon.


Nakilala ang mga suspek na sina Adrian Fabro at Rygen Bartolome, kapwa nakatira sa bayan ng Guimba sa nasabing lalawigan.


Ayon sa ulat, tinangay ng dalawang suspek ang motorsiklo ni Noel Bernardo at dahil dito, ini-report ito ng biktima sa pulisya.


Kaagad nagsagawa ng followup operation ang mga awtoridad kaya nadakip ang dalawang suspek at narekober ang motorsiklo.


Nakapiit na ang dalawang suspek na kapwa nahaharap sa kasong carnapping.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.