Search
  • BULGAR

2 NBA player, nadagdag sa COVID-19 positive

ni Gerard Arce - @Sports | July 01, 2020




Dalawang panibagong mga basketbolista mula sa National Basketball Association (NBA) ang nagpositibo sa coronavirus disease (Covid-19) makaraang ilang manlalaro na sa liga ang sunod-sunod na nahahawaan ng nakamamatay na sakit.

Inihayag ni Brooklyn Nets guard Spencer Dinwiddie na nakakaranas ito ng mga sintomas at hindi pa malinaw kung lalaro ito sa muling pagbubukas ng NBA sa Hulyo 31 sa Orlando, Florida, habang ang teammate nitong si Deandre Jordan ay inanunsyo ang kanyang estado sa kanyang social media account.

Tiyak na malaking dagok para sa Nets ang kawalan ng 27-anyos na tubong Los Angeles, California at ng 31-anyos na All-Star center lalo pa’t hindi na lalaro ang mga superstar players nitong sina Kyrie Irving at Kevin Durant dahil sa injuries.

Makailang-beses na nag-negatibo si Dinwiddie sa testing bago ang kanyang pagsali sa pagsasanay ng koponan sa New York. Ngunit nakaranas na ito ng bahagyang lagnat at paninikip ng dibdib.

Ang rebounding specialist naman ng Houston, Texas-native ay ang ika-anim na manlalaro ng koponan na nagpostitibo sa coronavirus disease na kabilang si Durant at tatlo pang iba na hindi pinangalanan noong Marso.

Found out last night and confirmed again today that I’ve tested positive for Covid while being back in the market. As a result of this, i will not be in Orlando for the resumption of the season,” wika ni Jordan sa kanyang Twitter account.

Kumakamada ng 20.6 points para sa Nets si Dinwiddie habang kakapasok pa lamang ni Jordan sa koponan noong nakalipas na Summer para sa samahan sina Durant at Irving. Sampung taon na nanatili ang 2016 Olympic gold medalists sa Los Angeles Clippers na may career average na 10.9 rebounds, 1.6 blocks, 9.6 points at 67.0% fieldgoal average.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.