Search
  • BULGAR

2 nanlabang karnaper, dedo sa shootout

@Balitang Probinsiya | July 3, 2020



NORTH COTABATO—Dalawang karnaper ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Kilada, Matalam.


Kinilala ng pulisya ang dalawang suspek na sina Kadali Panigas at Jomarie Ambel, kapwa residente ng nasabing barangay.


Ayon sa ulat, darakpin sana ng pulisya si Panigas sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nitong kasong carnapping, pero bigla nitong pinagbabaril ang mga awtoridad at pati si Ambel ay nanlaban na rin.


Dahil dito, kaagad gumanti ng putok ang pulisya na naging dahilan kaya napatay ang dalawang suspek na kapwa nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan.


Nakarekober ang pulisya ng .38 revolver, mga bala at isang granada sa pinangyarihan ng insidente.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.