Search
  • BULGAR

2 most wanted na holdaper, nasakote

@Balitang Probinsiya | June 27, 2020



QUIRINO—Dalawang most wanted na holdaper ang inaresto ng pulisya kamakalawa sa kanilang hideout sa Bgy. Gabriella, Diffun.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Giddion Nanguddu at Randy Pasuquin, kapwa pansamantalang nakatira sa nabanggit na barangay.


Nabatid na inaresto ng pulisya ang dalawang suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng korte kaugnay sa kinasasangkutan nilang kasong robbery sa lalawigan.


Ayon sa pulisya, matagal na nilang pinaghahanap ang mga suspek at kamakalawa lang nila natiyempuhang dakpin ang mga ito sa nasabing lugar.


Kusa namang sumama sa pulisya sina Nanguddu at Pasuquin nang dakpin sila sa nasabing barangay.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.