Search
  • BULGAR

2 lola, patay sa nasunog na bahay

@Balitang Probinsiya | October 6, 2020



CEBU CITY — Dalawang lola ang namatay nang ma-trap sa nasunog nilang bahay kamakalawa sa Bgy. Sambag 1.

Ang biktima ay nakilalang sina Glenda Neri, 80-anyos at Francesca Fomentera, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay.

Batay sa imbestigasyon, biglang sumiklab ang apoy sa bahay ng dalawang bikrima at dahil sa katandaan ay hindi agad nakalabas sa nasusunog nilang bahay ang dalawang lola.

Mabilis na rumesponde ang mga bumbero, pero hindi nailigtas ang mga biktima na kapwa na-suffocate sa sunog.

Patuloy pa ang imbestigasyon ng mga awtoridad para mabatid ang sanhi ng sunog sa bahay ng mga biktima.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.