Search
  • BULGAR

2 lalaking nakuryente, sugatan; nagdulot ng brownout sa Puerto Princesa

ni Lolet Abania | August 15, 2020



Halos malapnos ang buong katawan ng isang lalaki habang duguan ang isa pa, matapos na makuryente ang mga ito sa livewire ng Palawan Electric Cooperative (PALECO) sa Puerto Princesa City.


Nasa kritikal na kondisyon ang nakilalang biktima na si Edgar Mel Loeba, 23-anyos at si Sabsarim Sali, mga empleyado ng isang kumpanya na ‘contractor and supplies’ ng city government ng lungsod.


Ayon sa report, nangyari ang insidente bandang alas-5 ng hapon, kahapon, kung saan nagtatayo ng mga poste ang dalawang biktima para sa ilalagay na street lights nang sumabit ang mga ito sa livewire ng Paleco sa Barangay Siksikan, Puerto Princesa, Palawan.


Gayunman, agad na rumesponde ang mga tauhan ng action center ng city government sa naturang lugar upang dalhin sa ospital ang dalawang biktima.


Samantala, nagdulot ng malawakang brownout sa buong siyudad ng Puerto Princesa maging ang kalapit na bayan ang naturang insidente.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.