Search
  • BULGAR

2 kuta ng terorista, nakubkob

@Balitang Probinsiya | September 26, 2020



MAGUINDANAO—Dalawang kuta ng teroristang Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang nakubkob ng tropa ng pamahalaan kamakalawa sa bayan ng Ampatuan.


Ang sinalakay ng mga awtoridad ay ang dalawang kuta ng mga terorista sa Bgy. Datu Hoffer sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa dalawang kuta ng mga BIFF kaya agad itong sinalakay ng tropa ng pamahalaan, pero nakatakas na ang mga terorista.


Napag-alamang nakarekober ang mga awtoridad ng iba’t ibang uri ng pampasabog sa dalawang kuta ng BIFF.


Patuloy pa ang isinasagawang pagtugis ng tropa ng pamahalaan sa mga tumakas na terorista.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.