Search
  • BULGAR

2 kuta ng NPA, sinalakay

@Balitang Probinsiya | July 01, 2020



NORTH COTABATO—Sinalakay ng tropa ng pamahalaan ang dalawang kuta ng New People’s Army (NPA) kamakalawa sa bayan ng Arakan.


Ang sinalakay ng mga awtoridad ay ang kuta ng mga NPA sa bulubunduking lugar ng Bgy. Sumalili at Bgy. Nabalico, kapwa sa nabanggit na bayan.


Ayon sa ulat, may nag-tip sa dalawang kuta ng mga NPA kaya agad itong sinalakay ng tropa ng pamahalaan, pero nakatakas na ang mga rebelde.


Nabatid na iba’t ibang uri ng baril, bala at subersibong dokumento ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang kuta ng NPA.


Samantala, patuloy ang isinasagawang pagtugis ng tropa ng pamahalaan sa mga tumakas na rebelde.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.