Search
  • BULGAR

2 kelot, binoga ng kainuman

@Balitang Probinsiya | June 29, 2020



CAGAYAN—Dalawa lalaki ang sugatan nang barilin ng kanilang kainuman kamakalawa sa Bgy. Tabbac, Buguey.


Ang mga biktimang nagtamo ng mga tama ng bala ay nakilalang sina Sergio Tinaza, dating barangay kagawad at CAA Ronald Jose, miyembro ng CAFGU (Citizen Armed Forces Geographical Unit), kapwa residente sa nasabing barangay.


Kaagad namang nadakip ng mga nagrespondeng pulisya ang suspek na si Artemio Alipio, nakatira rin sa nabanggit na lugar at nakumpiska dito ang isang shotgun.


Ayon sa ulat, nag-iinuman ang tatlo nang biglang bumunot ng baril si Alipio at pinagbabaril sina Tinaza at Jose.


Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya para mabatid ang motibo ng suspek sa pamamaril sa dalawang biktima na sa ngayon ay kapwa ginagamot na sa ospital.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.