- BULGAR
2 karnaper, wanted
@Balitang Probinsiya | September 1, 2020
NUEVA ECIJA—Dalawang karnaper ang pinaghahanap ng pulisya dahil sa pagtangay sa motorsiklo kamakalawa sa bayan ng Jaen.
Ang biktimang tinangayan ng motorsiklo ay si Kelvin Balisi, nakatira sa nasabing bayan.
Ayon sa ulat, tinutukan ng baril ng dalawang suspek ang biktima at saka tinangay ang motorsiklo nito.
Kaagad nag-report sa pulisya ang biktima.
Nananawagan ang pulisya sa mga residente na mag-ingat sa mga suspek na nagnanakaw ng motorsiklo sa naturang lalawigan.