Search
  • BULGAR

2 ex-convicts pumalag, dedo sa shootout

@Balitang Probinsiya | October 6, 2020



SOUTH COTABATO — Dalawang ex-convicts ang napatay nang manlaban at makipagbarilan sa pulisya kamakalawa sa Bgy. Poblacion, Polomolok.

Kinilala ang mga suspek na nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan na sina Ian Ramo at Leonel Norcos, kapwa dating nakulong sa kasong may kinalaman sa droga at pansamantalang nakalaya sa pamamagitan ng piyansa.

Nabatid na sinalakay ng pulisya sa bisa ng search warrant ang bahay ng dalawang suspek sa naturang barangay dahil sa impormasyong nagbebenta sila ng droga, pero biglang pinagbabaril nina Ramo at Norcos ang mga operatiba.

Kaagad gumanti ng putok ang mga awtoridad dahilan kaya napatay ang mga suspek.

Nakarekober ang pulisya ng dalawang baril, mga bala at ilang sahcets ng shabu sa pinangyarihan ng insidente.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.