Search
  • BULGAR

2 drug dealers, arestado sa buy-bust

@Balitang Probinsiya | October 16, 2020



TARLAC—Dalawang drug dealers ang nadakip sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa Bgy. San Roque, Bamban.


Ang mga suspek ay nakilalang sina Asnoden Hasan at Renz Bermudez, kapwa nakatira sa Pasig City.


Ayon sa ulat, nagsagawa ng buy-bust operation sa nasabing barangay at nang pagbentahan sila ng shabu ay agad dinakip ang dalawang suspek.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng ilang gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.