Search
  • BULGAR

2 dayuhan, arestado sa paggawa ng pekeng dolyar

ni Twincle Esquierdo | September 24, 2020





Arestado ang dalawang dayuhang sangkot sa “black dollar” scam o paggawa ng pekeng dolyar sa entrapment operation sa Parañaque City ngayong Huwebes.

Kinilala si Oscar Jang, isa sa mga nahuli sa paggawa ng pekeng dolyar.

Nahirapan umanong dakpin ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) Anti-Organized Crime Unit ang dalawa dahil malalaki at pumapalag ang mga ito.

Ayon kay Police Staff Sergeant Michael Camillo, imbestigador ng CIDG-AOCU, gumagawa ng pekeng dolyar ang mga sindikato at ibinebenta sa mga nais mag-invest sa kanila at halos P2 milyon na ang nakuha ng mga suspek sa isang biktima na hindi na nagpakilala pa.


"'Yung isang dollar, lalagyan nila ng film at pagkatapos po nilang punasan ng isang kemikal na tinatawag nilang 'Vitamin C,' nagre-replicate po ang dollar. 'Yung isang dollar, nagiging tatlo," sabi ni Camillo.


Itinanggi naman ng mga suspek ang mga paratang sa kanila.


"I don't know these things," sabi ni Jang.


Nagbigay naman ng babala si Camillo, "'Pag po tayo ay inalok ng mga ganyan, at alam natin ang pera ay hindi naman nanggaling sa mga bangko na dapat na mapagkuhanan niyan, isipin n'yo na po, scam po ito."

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.