Search
  • BULGAR

2 bigtime tulak, tiklo sa drug-bust

@Balitang Probinsiya | October 11, 2020



PAMPANGA — Dalawang bigtime drug pushers ang naaresto sa isinagawang drug-bust operation kamakalawa sa Bgy. Pandan, Angeles City.

Ang mga suspek ay nakilalang sina Niko Urbano at Rahima David, kapwa nakatira sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat, nadakip ang dalawang suspek sa isinagawang drug-bust operation ng pulisya sa nasabing barangay.

Nabatid na nakakumpiska ang pulisya ng 25 gramo ng shabu at markadong pera sa pag-iingat nina Urbano at David.

Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.