Search
  • BULGAR

2 bata nasagip sa rumaragasang ilog

ni Twincle Esquierdo | August 6, 2020




Dalawang bata ang nasagip mula sa rumaragasang ilog sa Makilala town, Cotabato province nitong huwebes, Agosto 6, ayon sa mga disaster official.


Ayon kay Arnulfo Villaruz, provincial disaster risk reduction and management office, naglalaro ang dalawang batang 3-anyos at 7-anyos malapit sa ilog ng bigla itong tangayin ng rumaragasang tubig.


Nakita umano ng mga bystander kung ano mga nangyari kaya agad silang umaksiyon, nakilala ang dalawang bata na sina Necel at Althea na parehong residente ng Kisante, agad namang silang dinala sa Makilala ospital, parehong dumaranas ng bruises ang mga bata dahil sa nangyari.


Dahil sa walang tigil na pag-ulan at may low pressure area sa lugar ng Mindanao umapaw ang tubig sa ilog sa Cotabato.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.