Search
  • BULGAR

2 bagets, tiklo sa pot session

@Balitang Probinsiya | July 9, 2020



NUEVA ECIJA—Dalawang binatilyong drug addict ang dinakip nang mahuli sa akto ng pulisya na nagsasagawa ng pot session sa Bgy. Bantug Hacienda, Talavera.


Dahil kapwa menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang dalawang suspek.


Ayon sa ulat, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya na nagsasagawa ng pot session ang mga suspek kaya agad rumespode ang mga awtoridad at inaresto ang dalawang binatilyong drug addict.


Napag-alamang nakakumpiska ang mga awtoridad ng apat na sachets ng shabu, drug paraphernalia at baril sa pag-iingay ng mga suspek.


Nakapiit na ang mga suspek na kapwa nahaharap sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at illegal possession of firearms and ammunitions.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.