Search
  • BULGAR

2 bagets, dedo sa kasalubong na trak

@Balitang Probinsiya | August 26, 2020



ABRA—Dalawang binatilyo ang namatay nang aksidenteng bumangga ang kinalululanan nilang motorsiklo sa kasalubong na trak kamakalawa sa Bgy. Mudiit, Dolores.


Dahil mga menor-de-edad ay hindi na pinangalanan ng pulisya ang dalawang biktima na kapwa 16-anyos at residente sa nasabing bayan.


Ayon sa ulat, mabilis ang takbo ng motorsiklo kaya aksidenteng bumangga ito sa kasalubong na trak na minamaneho ni Christopher Bayubay.


Kaagad dinala ng mga saksi ang dalawang biktima sa ospital, pero kapwa sila idineklarang dead-on-arrival.


Nakapiit na si Bayubay na nahaharap sa kasong reckless imprudence resulting to double homicide and damage to property.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.