- BULGAR
1st Leg Triple Crown sa buwan ng Setyembre
Updated: Sep 9, 2020
ni Ding Taboy - @Renda at Latigo | June 26, 2020
Pinaplantsa ngayon ng Philippine Racing Commission (PHILRACOM) ang 1St Leg Triple Crown championship na natigil dahil sa pananalasa ng COVID-19.
Ayon sa PHILRACOM, itinutulak sa buwan ng Setyembre ang 1st Leg Triple Crown na natigil makaraang ilagay sa lockdown ang Metro Manila at Region 4A sa pananalasa ng COVID-19 noong Marso 15, 2020.
Ang Triple Crown ay taunang inilulunsad tuwing Mayo,Hunyo hanggang Hulyo nang 3 taong gulang na kabayo na pawang locally born.
Sinabi ng PHILRACOM na wala pang napipisil na kalahok. Kasabay nito magaganap din ang Hopeful Stakes Race para sa 3 year old locally born.
Ang 1st Leg Triple Crown ay may distansiyang 1,600 metro na tatanggap ng unang premyo na P1.8 milyon, P675,000 ang 2nd place, habang mag-uuwi ng P375,000 ang 3rd place at tatanggap ng P150,000 ang 4th place.
May nakalaan naman na P1-milyon ang Hopeful Stakes Race na hahatiin sa apat na makatatawid sa finish line.
Tatanggap ng unang premyo ang tatanghaling kampeon ng halagang P600,000. Ang magka-kampeon sa Hopeful Stakes Race ay may pagkakataon na sumali sa 2nd Leg Triple Crown Stakes Race.
Samantalang tatanggap ng halagang P225,000 ang 2nd place, habang mag-uuwi ng P125,000 ang 3rd place at P50,000 ang 4th placer.