Search
  • BULGAR

17-anyos ginahasa ng 6 na kelot

@Balitang Probinsiya | October 18, 2020



MISAMIS ORIENTAL—Anim na rapists ang pinaghahanap ngayon ng mga awtoridad dahil sa panggagahasa sa 17-anyos na dalagita kamakalawa sa Bgy. San Antonio, Jasaan.

Hindi muna pinangalanan ang mga suspek hangga’t hindi sila nadarakip ng mga awtoridad.


Ayon sa ulat, ang biktimang itinago sa pangalang “Lorena” ay unang ginahasa ng isa nilang kabarangay sa loob ng bahay nito noong Setyembre 5, 2020 at ang panggagahasa ay inilihim ng dalagita sa kanyang mga magulang.


Kinabukasan, Setyembre 6 ay ipinagtapat ni “Lorena” sa kanyang limang kaibigang lalaki ang panggagahasa ng unang suspek, pero sa halip na tulungan ay halinhinang ginahasa rin ang biktima ng kanyang mga kaibigan.


Dahil dito, ipinagtapat na ni “Lorena” sa kanyang mga magulang ang panggagahasa sa kanya ng mga suspek at sinamahan siya sa pulisya para magsampa ng kaso sa anim na rapists.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.