Search
  • BULGAR

16K senior citizens sa QC, binakunahan laban sa COVID-19

ni Thea Janica Teh | October 4, 2020




Umabot sa 16,000 senior citizens ang napabakunahan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City laban sa pulmonya at trangkaso upang maprotektahan sa COVID-19.


Ang 9,250 rito ay nakatanggap ng pneumococcal shots habang 7,690 naman ang nabigyan ng flu vaccine mula Enero hanggang Agosto.


Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, "Ginagawa natin ito para mas maprotektahan ang ating mga lolo at lola sa banta ng COVID-19.


"Naiintindihan naman natin na minsan ay hindi talaga maiiwasan na hindi sila lumabas sa kani-kanilang bahay, lalo na 'yung naghahanapbuhay pa at inaasahan ng kanilang pamilya," dagdag pa ng alkalde.


Isa sa mga vulnerable o madaling tamaan ng COVID-19 ang mga senior citizens, kaya naman, lubos na pinangangalagaan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang mga ito.

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.