Search
  • BULGAR

17 patay sa plane crash sa India

ni Lolet Abania | August 8, 2020



Labing-pito ang namatay matapos na mahati sa dalawa ang isang passenger jet na nag-overshoot sa runway at sumadsad habang papalapag ito sa southern India, ayon sa report ng opisyal.


Mahigit sa 100 ang sugatan, 15 dito ang nasa kritikal na kondisyon, matapos ang Air India Express Boeing 737 mula sa Dubai, isang coronavirus evacuation flight, na patungong Calicut, India ang bumagsak sa runway sanhi ng malakas na pag-ulan sa Kozhikode.


Mula sa report ng opisyal, 191 pasahero at crew ang nakasakay sa eroplano nang bumagsak ito ng 10 meters (35 feet) sa tinatawag na tabletop runway, kung saan sinasabing mahirap ang paglapag ng airplane, sa state ng Kerala. Himalang hindi nagliyab o sumabog ang eroplano matapos na sumadsad ito sa runway.


Ayon kay Kozhikode official Seeram Sambasiva, 17 katao ang namatay sa aksidente. Sa record na nakuha ng AFP sa mga pasyenteng sakay ng eroplano, kasama sa nasawi ang isang 10-buwang-gulang na sanggol at 18-buwang-gulang na bata.


Isa sa dalawang piloto na namatay sa plane crash si Deepak Sathe ay dating Air Force fighter pilot, ayon sa naturang report.


Gayundin, ayon kay senior local policeman Abdul Karim, tinatayang 15 pasahero pa ang nasa kritikal na kondisyon at ginagamot sa ngayon sa lokal na ospital.


Sa Indian media data na mula sa flight tracker website nito, makikitang dalawang beses sinubukan ng eroplano na lumapag sa runway. Ayon din sa mga nakaligtas na pasahero, paulit-ulit na tumaas at bumaba ang aircraft bago tuluyang bumagsak.


Agad na rumesponde ang mga rescue staff at lokal na opisyal sa insidente upang matulungang makalabas ang mga pasahero mula sa plane crash sa kabila ng malakas na ulan.


Karamihan sa mga pasahero ay kinakailangan pang putulan gamit ang special equipment para makalabas sa sumadsad na eroplano.


“Locals rushed to the spot after hearing the noise," sabi ng isang rescue worker. "People came in cars, messages were being sent on WhatsApp... that people were needed to help."


"At first, people took the injured to the hospitals in their cars. Then the emergency services took over."

0 comments

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.