Search
  • BULGAR

16 minero, na-trap, patay!

ni Twincle Esquierdo | September 27, 2020



Patay ang 16 miners at isa ang kritikal matapos ma-trap sa isinasagawang coal mine sa Southwest China ngayong Linggo.


Pag-aari ng isang state energy firm na Chongqing Energy ang Songzao Coal Mine sa lungsod ng Chongqing kung saan nangyari ang insidente.

Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang nangyaring insidente, ayon sa Qijiang district.

Nangyari na rin ang ganitong insidente sa China dahil sa kakulangan ng mga safety equipment para sa mga empleyado.

Namatay ang 14 minero dahil sa coal at gas blast noong nakaraang Disyembre sa Southwestern Guizhouw province. Pitong minero naman ang namatay noong Disyembre 2018, sa Chongqing matapos mahulog ang skip broke sa baras.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.