Search
  • BULGAR

15 OFWs nagpositibo sa COVID-19

ni Twincle Esquierdo | July 31, 2020




Ayon sa tala ng DFA nadagdagan ng 15 katao ang kaso ng COVID-19 sa OFW na umabot na sa 9,407, 3,279 ang sumasailaim sa gamutan.


Isa naman ang nadagdag sa gumaling na umabot na sa 5,462 ngunit wala namang naitalang bagong kaso ng namatay kaya nananatili ito sa 666.


Base rin sa tala ng DFA, 904 ang kabuuang kaso sa Asia Pacific Region, 252 ang sumasailaim sa gamutan at 646 ang gumaling, 6 ang nasawi.


Samantala, sa Middle East / Africa, 6,690 ang kabuuang kaso, 2,400 ang sumasailaim sa

gamutan, 3,896 ang gumaling at 394 ang nasawi.


Habang nananatili naman sa 1,108 ang kabuuang kaso sa Europe, 504 ang sumasailaim sa gamutan, 504 ang gumaling at 95 ang nasawi.


Gayundin, ang America na 705 na ang kabuuang kaso, 123 ang sumasailaim sa gamutan at 411 ang gumaling at 171 ang nasawi.

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2020 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.