Search
  • BULGAR

15 bahay, tinupok ng apoy

@Balitang Probinsiya | August 12, 2020



CAGAYAN DE ORO CITY—Labinglimang bahay ang tinupok ng apoy kamakalawa sa Bgy. Gusa.


Hindi muna pinangalanan ang may-ari ng bahay na pinagmulan ng sunog habang iniimbestigahan ito ng mga awtoridad dahil sa impormasyong jumper sa poste ang pinagkukunan nito ng kuryente.


Batay sa imbestigasyon, biglang sumiklab ang apoy sa bahay ng nag-jumper sa kuryente at nadamay na nasunog ang 14 pang kabahayan.


Nabatid na wala namang iniulat na nadisgrasya sa naganap na sunog at inaalam na rin ang halaga ng napinsala ng apoy.


Sakaling mapatunayang jumper ang pinagkukunan ng kuryente ng bahay na pinagmulan ng sunog ay sasampahan ito ng mga awtoridad ng mga kaukukulang kaso.

0 comments

Recent Posts

See All

Disclaimer : The views and opinions expressed on this website or any comments found on any articles herein, are those of the authors or columnists alike, and do not necessarily reflect nor represent the views and opinions of the owner, the company, the management and the website.

RECOMMENDED
BULGAR LOGO

Bulgar Online.

Call us : (02) 995-3732

© 2021 bulgaronline

Sison's Publishing House, Inc.